Tagaytay Roadtrip

October 29, 2016


Last Sunday, 23rd of October 2016, we went up to Tagaytay para maki-fiesta kila Philip (Maire's boyfriend) actually it was an advanced celebration for us kasi natapat ng Monday yung fiesta nila ngayong taon. Yes, invited kami every year to celebrate with them and for the past years we always celebrate after fiesta meaning parating kinabukasan na kami nakakapunta pero this year before fiesta kami pumunta kasi meron mga pasok the following day.


Naglaro yung mga bata dun sa dumadaan na bunot game and nanalo naman kahit papaano, hahaha. More of, balik taya lang ang nangyari pero ang importante naka-experience sila nun. Then, nag-decide kami pumunta sa Mushroom Burger kasi matagal na namin gusto matikman yung burger and mushroom fries. Curious kasi kami kung anong lasa, hahaha.

Masarap din naman yung mushroom burger. I mean, lasang beef burger din naman and fresh siya kasi sila mismo nag-plant and harvest nong mga mushrooms. As for the mushroom fries, masarap pero mamantika siya. Overall, worth it yung price ng pagkain kasi nakakabusog naman and masarap.

Yung mga kids, super enjoy kasi after kumain naglaro sila sa playground which is located din sa loob ng Mushroom Burger. Malaki yung lugar hindi siya yung typical na restaurant lang talaga.




After namin sa Mushroom Burger, sumaglit kami sa Robinson's kasi bibili kami nong baked chicharon na super sarap wala nga lang ako picture and hindi ko naisama sa vlog, hahaha. Pagtapos makabili ng chicharon umuwi na kami sa bahay nila Philip para makapahinga. Since maaga pa naman syempre naka-idlip pa kami kasi ang lamig sa Tagaytay, hahaha.

During lunch time, sinabihan pa kami na konti putahe pa lang ang tapos na lutuin kasi that same day na nandun kami nagstart na sila magkatay at magluto ng ihahanda for the next day which is yung mismong fiesta. Still, we had Lumpia, Rellenong Bangus, Buto-Buto, Menudo, Dinuguan, Macapuno with Sago, Ube Halaya, Macaroni Salad and another kind of salad na hindi ko alam ang tawag pero masarap, hahaha.







After kumain ng lunch, pumunta kami sa kabilang bahay para tumambay sa kubo and mamitas ng lanzones and suha. Ang saya lang kasi meron silang mga tanim sa mismong bakuran nila kaya either aakyatin or susungkitin na lang yung mga bunga. By the way, yung food pala na inihain sa amin are for lunch and merienda na namin. Bago kami pauwiin pinakain muna nila kami kasi for sure grabe yung traffic na kakalabanin namin.

Anyway, bago kami tuluyan sumabak sa traffic ng Manila. Dumaan muna kami sa Mahogany Market para bumili ng fresh beef at syempre sa Almira's para sa pasalubong. Guess what, mga 6:00 in the afternoon kami magstart ng byahe tapos nakauwi kami halos 10 na ng gabi. Kaloka yung traffic lalo na sa area ng Cavite. Hindi kasi kami nag-expressway kasi nga matraffic din papasok sa expressway e.


Anyway, panoorin niyo na lang yung vlog para makita ninyo some of the adventures na ginawa namin. Enjoy :)

You Might Also Like

0 comments